Alalahanin Mo
Pitong taong hirap na hirap ang anak ko para tigilan ang pagkalulong nito sa droga. Nang mga panahong iyon, nahihirapan din kaming mag-asawa sa sitwasyon ng aming anak. Idinalangin namin siya habang inaantay namin ang kanyang paggaling. Natutunan naming magalak sa mga simpleng araw na walang anumang nangyayaring gulo sa loob ng isang araw sa aming pamilya. Ipinapaalala ng masasayang araw…
Walang Maitatago
Noong 2015, ayon sa pananaliksik ng isang kumpanya ay mayroon daw 245 milyong cctv camera na nakalagay sa iba’t ibang lugar sa mundo at nadaragdagan pa ito taun-taon. Ang cctv camera ay isang instrumento para makita ang mga pangyayari sa isang lugar. Kung wala namang cctv sa paligid, malamang ay may tao namang may cellphone ang kukuha ng pangyayari. Maganda man…
Sama-sama
Nagluto ang asawa ko. Inihanda niya ang mga sangkap nito tulad ng karne, hiniwang patatas, kamote, sibuyas at kabute. Tapos, sama-sama niya itong inilagay sa lalagyan at pinakuluan. Pagkatapos ng mga 7 oras, maaamoy mo na ang niluluto niya. Sulit na hintaying maluto nang dahan-dahan ang lahat ng sangkap dahil kapag nagsama-sama na ito malaki ang kaibahan nito kumpara sa iisang…
Magpakita ng Kabutihan
May isinulat ang manunulat na si Anne Herbert na sumikat at maririnig na sinasabi sa mga pelikula. Sabi ng ilan, nasa isang kainan daw si Anne nang may naisip siyang isulat. Isinulat niya sa pinagpapatungan ng pinggan na nasa mesa ang mga katagang sumikat sa karamihan: “Laging gumawa ng magagandang bagay kahit parang sa tingin ng iba ay nagsasayang ka lang…
Ginawang Bago
Noong 2014, nagkaroon ng malaking butas sa ilalim ng lupa sa mismong kinatitirikan ng National Corvette Museum. Lugar ito kung saan makikita ang mga lumang kotse na ginawa ng kumpanya ng Corvette. Nahulog ang walong lumang kotse sa butas. Lubhang nasira ang ilan sa mga kotse at ang ilan ay imposible nang maayos pa.
Kapansin-pansin naman ang isa sa mga nahulog…
Kapahingahan
Habang nagmamaneho ang isang lalaki, nakita niya ang isang babae na naglalakad at may bitbit na mabigat. Inalok niya itong sumakay na lang sa kanyang sasakyan. Sumakay naman ang babae at nagpasalamat. Makalipas ang ilang sandali, napansin ng lalaki na hindi pa rin ibinababa ng babae ang kanyang bitbit. Sinabi nito sa babae, “Puwede n’yo pong ibaba ang inyong bitbit…
Pananalangin
Noong Agosto 2010, nakaabang ang buong mundo sa balita tungkol sa isang minahang gumuho sa bansang Chile. May 33 minero ang naiwan sa ilalim ng minahan. Inaakala ng mga minero na wala nang makakatulong sa sitwasyon nila. Pero ang hindi nila alam ay marami ang naghahanap sa kanila sa pamamagitan ng paghuhukay. Pagkalipas ng 17 araw, may narinig ang mga…
Sambahin Siya
Marami sa ginagawa nating Belen tuwing sasapit ang pasko ay nagpapakita na laging nandoon ang mga Pantas sa mismong kapanganakan ni Jesus. Pero ayon sa aklat ni Mateo sa Bagong Tipan kung saan doon lang nabanggit ang tungkol sa mga Pantas, wala sila sa mismong kapanganakan ni Jesus.
Hindi man nakapunta ang mga Pantas sa mismong kapanganakan ni Jesus sa sabsaban,…
Makinig sa Dios
Gusto ng anak ko na naririnig palagi ang boses ko, maliban na lang kung tinatawag ko siya ng pasigaw, “Anak nasaan ka?” Sa tuwing ginagawa ko iyon, malamang ay may ginawa siyang hindi maganda at pinagtataguan ako. Nais kong pansinin ng anak ko ang pagtawag ko sa kanya dahil nag-aalala ako at ayaw ko siyang masaktan sa ginagawa niyang hindi maganda.…